^

Bansa

Cybercrime Law legal - SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idineklara ng Korte Suprema na legal ang kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act of 2012 partikular ang probisyon ng batas sa libelo o paninirang-puri sa internet.

Bagaman dineklarang legal, ipinaliwanag naman ni SC spokesman Atty. Theodore Te na naglatag ng kondisyon ang mga mahistrado sa online libel provision.

Noong October 2012, pansamantalang pinigil ng SC ang implementasyon ng cyber law matapos na dumulog ang 15 grupo ng mga petitioner na kumukuwestiyon sa legalidad ng nasabing batas.

Ayon sa mga petitioner, sinisikil ng Crybercrime Prevention Law ang karapatan sa pamamahayag, pinabigat pa ang parusa sa kasong libelo at pinadali rin ang pagmamanman o paniniktik ng mga awtoridad sa mga mamamayam gamit ang electronic media.

Nais ng mga petitioners na ipawalang-bisa ang mga provision ng Sections 4, 5, 6, 7 at 19.

Nakasaad sa Sections 4 at 5 ang iba’t ibang parusa na saklaw ng nasabing batas kabilang na rito ang online libel, na ayon sa mga petitioner ay labag sa karapatan sa malayang pamamahayag.

Nilalaman naman ng Sections 6 at 7 ang pinabigat na parusa laban sa mga mapatutunayang nagkasala sa kasong libelo, maliban pa sa maaari rin silang makasuhan sa ilalim ng Revised Penal Code sa iisang kaso.

Ang nasabing probisyon ay tinututulan ng mga petitioner dahil sa anila ay malinaw na paglabag sa double jeo­pardy.

Pinapalagan din ng mga petitioner ang Section 19, na nagbibigay ng kapangyarihan sa DOJ na i-restrict o harangin ang access sa mga data sa sandaling mapatunayan na mayroong prima facie na paglabag sa cyber law.

AYON

CRYBERCRIME PREVENTION LAW

CYBERCRIME PREVENTION ACT

KORTE SUPREMA

NOONG OCTOBER

REVISED PENAL CODE

THEODORE TE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with