^

Bansa

Whistleblowers takot kay Binay

Butch Quejada/Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nababahala ang grupo ng mga whistleblower sa kahihinatnan ng kanilang pagbubunyag ukol sa pork barrel funds scam pagsapit ng 2016 kung si Vice President Jejomar Binay  umano ang magiging pa­ngulo kaya nais nilang madaliin ng mga kinauukulan ang kaso bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino.   

Ayon kay Atty. Levito Baligod, abogado ng mga whistleblower, natatakot sila kay Binay dahil una pa lamang ay hindi na umano ito naniniwala sa mga whistleblower at minaliit din daw ang mga isinagawang imbestigasyon at ebidensya kahit hindi pa man nito nakikita ang mga affidavit at dokumento na kanilang isinumite.  

Pinuna din ni Bali­god ang umano’y gina­wang pagtatanggol agad ni Binay kina Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na una nang isinang­kot sa pagtanggap ng kickback sa PDAF funds.

“Iyan ang isa sa mga kinakatakot ng mga whistleblower na kung iba na ang Presidente ay abswelto na ang mga isinasangkot at baka kami pa mismo ay mabaligtad at kami ang kasuhan. Ang imbestigasyon sa pork barrel scam ay walang kinalaman sa pulitika pero aminado kami na crucial ang 2016 sa pork barrel case kaya ang kailangan na susunod na Pangulo ay graftbuster at hangad ang tunay na pagbabago sa paggamit ng kaban ng bayan,” sabi ni Baligod.

Una nang binatikos ni Justice Secretary Leila de Lima si Binay sa pagmamaliit nito sa imbestigasyon na ginagawa ng NBI sa pork barrel scam kung saan pinuna pa ng kalihim na pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa si Binay ngunit sa halip na suportahan sila sa kanilang trabaho na malaman ang katotohanan sa likod ng paggastos sa PDAF funds ay ito pa ang bumabatikos sa kanila.  

Sinabi naman ni Senator Alan Peter Cayetano na malamang matakot na ang mga potensyal na whistleblowers dahil sa pagdepensa ni Binay kina Enrile at Estrada at pagtawag ng pangalawang pangulo sa imbestigasyon na “trial by publicity”. 

Ipinahiwatig ni Caye­tano na isang dagok sa kam­panya ng administrasyon na “Daang Matuwid” ang pahayag ni Binay lalo pa’t mistulang kinakampihan nito ang mga nahaharap ngayon sa kasong plunder.

Ayon naman kay Enrile, kumpiyansa siyang mananalo si Binay sa 2016.

Kapwa kakampi ni Binay sa oposisyon sina Estrada at Enrile.

AYON

BINAY

DAANG MATUWID

ENRILE

JUAN PONCE ENRILE

JUSTICE SECRETARY LEILA

LEVITO BALIGOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with