^

Bansa

Tuason nahihirapang ilaglag ang mga kaibigan - Cayetano

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Alan Peter Cayetano na may mga itinatago si provisional state witness Ruby Tuason na impormasyon laban kay Senate Minority leader Juan Ponce Enrile tungkol sa bilyung-bilyong pork barrel scam.

"Sa ngayon, most of the senators are not convinced that she is telling everything," banggit ni Cayetano sa isang panayam sa telebisyon ukol sa pagharap ni Tuason sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes.

Sinabi ng senador na maaaring nahihirapan pa si Tuason na ilaglag ang kaibigan.

"When [you] just come home and you just realize that you have to turn [against] your friends, it's not easy," dagdag ni Cayetano. "Give her some time because this happens to all witnesses."

Pero naiintindihan din ni Cayetano na maaaring hindi maalala lahat ni Tuason ang mga transaksyong ginawa para sa mga senador.

Kaugnay na balita: Tuason maraming hindi naisiwalat sa Senado

"Sometimes, the lawyers themselves tell them (whistle-blowers) na 'Huwag kang magbibigay ng detalye kung hindi ka sigurado dahil magmumukha kang sinungaling,'" wika ni Cayetano.

Samantala, isa si Sen. Antonio Trillanes sa mga diskumpyado sa mga isiniwalat ni Tuason.

Sinabi ng senador na umuwi ng bansa si Tuason mula ng Amerika upang linisin ang pangalan ni Enrile mula sa pork barrel scam.

Pero kaagad itong pinabulaanan ng kampo ni Tuason

"Why will she say that she delivered money to Sen. Enrile at the Senate kung talagang hindi naman nangyari? Why would she invent [stories]?" pahayag ng abogadong si Dennis Manalo.

Aniya magmumukhang hindi kati-katiwala ang kanyang kliyente kung maggagawa-gawa lamang sila ng storya.

"She's gonna appear to be a liar. And if she lies [at] one point, her credibility might be affected," dagdag niya.

Sinabi pa ni Manalo na isinabit na nila si Enrile sa isyu nang banggitin ni Tuason na siya mismo ang naghatid ng kickback ng senador sa dating chief of staff na si Gigi Reyes.

"She went home precisely to say that she delivered the money to the chief of staff of Senator Juan Ponce Enrile," sabi ni Manalo. "Would the senator (Enrile) appreciate that kind of testimony if they are truly colluding with each other?"

Samantala, sinabi ng abogado ng mga pork scam whistleblower na marami pang hindi naisiwalat si Tuason sa Senado dahil sa hindi magagandang pagtatanong ng mga senador.

"Naniniwala ako na marami pang alam si Ginang Tuason na hindi lang niya naibabahagi sa 'tin dahil hindi naman siya tinatanong," wika ni Baligod sa isang panayam sa radyo.

ALAN PETER

ANTONIO TRILLANES

CAYETANO

DENNIS MANALO

ENRILE

GIGI REYES

SINABI

TUASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with