^

Bansa

Pangangalaga sa habitat area tiniyak ng DENR

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng isang mataas na opisyal ng Department of Environment and Natural Resources na kanilang proprotektahan laban sa reklamasyon  ang isa sa pinakamahalagang wetland sa buong mundo na matatagpuan sa Metro Manila.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Government Corporation and Public Enterprises kamakailan, sini­guro ni DENR-Environment Management Bureau OIC Director  Juan Miguel Cuna kay Sen. Cynthia Villar na hindi makakabilang ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat Eco-Tourism Area (LPPCHEA) sa planong reklamasyon.

Tinukoy ng contractor na Altech Inc. na ang LPPCHEA na isa sa mga lugar na maaapektuhan ng planong rekla­masyon sa Manila Bay.

Sinang-ayunan ni Cuna na ang pahayag ni Villar na kailangang itigil ang reclamation project kung masisira nito ang critical habitat.

 

ALTECH INC

CRITICAL HABITAT ECO-TOURISM AREA

CYNTHIA VILLAR

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENVIRONMENT MANAGEMENT BUREAU

GOVERNMENT CORPORATION AND PUBLIC ENTERPRISES

JUAN MIGUEL CUNA

LAS PI

MANILA BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with