Public CR isinulong
MANILA, Philippines - Isinulong ng isang mambabatas ang pagpapagawa ng mga public restrooms sa kahabaan ng mga national at provincial highways sa buong bansa para na rin sa interes ng publiko.
Nakasaad sa House Bill 3722 na inihain ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero na ang pagpapatayo ng mga pampublikong restrooms ay para na rin sa kalusugan at convenience ng pasahero.
Ayon sa mambabatas, ang itatayong palikuran ay pangangasiwaan o imamantina ng kinatatayuan nitong barangay.
Sa ilalim ng panukala, ang bawat passenger-user ng public restrooms ay maaaring magbayad ng kaukulang halaga na gagamitin sa pagmamantina ng pasilidad.
Tinawag na “Land Transport Support Facilities for Hygiene and Convenience Act,†ang bawat itatayong public restrooms ay may layong 30 hanggang 50 kilometro sa bawat isa sa national at provincial highways sa bansa.
- Latest