^

Bansa

EDSA rites sa Palasyo idaraos

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Malakanyang na ipagdiriwang ang paggunita sa ika-28 anibersaryo ng unang EDSA People Power revolution sa Pebrero 25, ayon kay PCOO Secretary Herminio Coloma Jr..

Sinabi ni Coloma na isinagawa ang desisyong ito para sa kapakanan ng mga mamamayan at upang hindi na lumikha ng dagdag na problema ng trapik sa EDSA kaya magiging sentro ng pagdiriwang sa ika-25 ng Pebrero ang Malacañang Palace grounds.

Sa Malacañang anya idaraos ang flag-raising at ang traditional na salubu­ngan ng mga mamamayan at mga sundalo. 

Magdaraos din ng pulong-bayan si Pangulong Benigno Aquino lll at makikipagtalakayan siya sa mga mamamayan mula sa iba’t-ibang sektor. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Kapit-bisig para sa Pagbangon”.

“Unti-unti nating inilalayo ang sentro ng selebrasyon sa kabayanihan ng mga nanindigan sa EDSA noong 1986 at tu­ngo sa pagbabayanihan ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon upang maibsan ang paghihirap na dulot ng maraming dekada ng korapsyon at pagsasamantala ng mga nasa kapangyarihan,” dagdag pa ni Coloma.

COLOMA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PEBRERO

PEOPLE POWER

SA MALACA

SA MALAKANYANG

SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with