3 testigo pa sa ‘pork’ lalantad: TRC chief, Ranillo interesado rin
MANILA, Philippines - Tatlo pang mga testigo sa pork barrel scam na mga dating empleyado ng gobyerno ang nagpahayag ng kanilang kaÂhandaang lumantad upang magbigay ng testimonya hinggil sa kanilang nalalaman sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Levito Baligod, abogado ng mga whistleblowers, sa panayam ng Bombo Radyo kung saan sinabi nito na masusi na nilang pinag-aaralan ang affidavit ng tatlong posibleng maging testigo rin.
Ayon kay Baligod, ang tatlong sinasabing bagong witness ay nasa Pilipinas lamang at kabilang din sa mga nakasuhan sa pork barrel scam sa Office of the Ombudsman.
Inihayag ng abogado na ang paglutang ng iba pang mga respondents sa kaso ay posibleng dahil sa takot na maaaring makulong.
Sinabi ni Baligod na naiisip na ng mga sangkot na seryoso ang DOJ at Office of the Ombudsman na siyasatin ang kaso at natatakot ang mga ito na makasuhan at makulong dahil sa kanilang partisipasyon.
Napag-alaman na si Ruby Tuason pa lamang ang naunang lumantad para maging testigo na kabilang sa mga nakasuhan.
Bago ito, nitong nakalipas na araw lumutang din ang pangalan ni Pauline Labayen na dating staff ni Sen. Jinggoy Estrada na umano’y handa na rin daw tumestigo.
Gayundin si Dennis Cunanan ng Technology Resource Center (TRC) ay nagsabi umanong interesadong tumestigo sa krimen.
Kamakalawa ay nagpahiwatig na umano kay DoJ Sec. Leila de Lima sa pamamagitan ng mga “feelers†na maging ang aktor na si Mat Ranillo III ay makikipagtulungan sa kaso.
- Latest