Cybercrime tinututukan ng PNP
MANILA, Philippines - Kasalukuyang tinututukan ng Philippine National Police sa panguÂnguna ni Director General Alan Purisima ang mga sex syndicate na ginagamit ang internet para makapambiktima.
Kamakailan lamang ay nakapagsagawa ng matagumpay na dalawang operasyon ang PNP laban sa mga cybercrime syndicate na kumikilos sa Taguig City at sa lalawigan ng Tarlac.
Ang operasyon ay kasabay ng ipinalabas na direktiba ni Purisima na palakasin ang kampanya ng PNP laban sa transnational organized cybercrime groups.
Sa operasyong pinaÂngunahan ng PNP-Anti Cybercrime Group Cyber Response Team noong Pebrero 4 ay sinalakay nito ang magkakahiwalay na mga unit sa East Tower, One Serendra Condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig. Naaresto rito ang 10 Koreano na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 at Presidential Decree 1602.
Nakumpiska sa kanila ang iba’t-ibang passbooks, assorted mobile phones, identification cards, assorted documents, laptops, network devices, telephone sets, desktop computers, at assorted cards na pinapaniwalaang ginagamit sa kaniang iligal na aktibidad.
Nahuli sila sa aktong nagsasagawa ng online gambling sa Pilipinas na ang mga mananaya ay mga Koreano. Ginagawa ang bayaran sa online banking at credit card.
Sumunod dito, sinaÂlakay ng PNP-ACG ang tanggapan ng Atzen Global Services Incorporated sa San Jose, Concepcion, Tarlac dahil sa umano’y pagbebenta nito ng mga pekeng gamot sa pamamagitan ng online pharmacy website kahit wala itong lisensiya para magbenta ng gamot.
Nakakumpiska rito ang pulisya ng passbooks, assorted documents, identification cards, assorted mobile phones, laptops, network devices, desktop computers, assorted cards, sachets na naglalaman ng residue ng shabu, foil, pipe, granada, mga baril at bala.
- Latest