2 SC justices patatalsikin?
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na hindi pa rin nila isinusuko ang pagsusulong ng impeachment case sa ilang miyembro ng Kataas-taasang Hukuman at katunayan ay dalawang mahistrado nito ang pinag-aaralan nilang maisama sa naturang kaso.
Hindi pa muna tinukoy ni Umali ang pangalan ng dalawang mahistrado ngunit sinabing mayroon na siyang balangkas na kaso ngunit kailangan pa itong dumaan sa mabusiÂsing pag-aaral.
Sinabi ni Umali na gagamitin umanong batayan sa impeachment ang desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case ni Marinduque Rep. Regina Reyes na maituturing umanong flip-flopping sa panig ng hukuman.
Ipinaliwanag ni Umali na bumaligtad ang Korte Suprema sa umiiral nang jurisprudence na kapag ang isang nagwaging kandidato sa pagka-kongreÂsista ay naiproklama na at nakapanumpa na, ito ay nasa ilalim na ng hurisdiksyon ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) at hindi ng mataas na hukuman.
Para kay Umali, ang flip flopping decision ng Korte Suprema ay maituturing umano na betrayal of public trust sa panig ng mga mahistrado lalo na iyong bumaligtad sa mga nauna nilang boto hinggil sa kaparehong kaso.
- Latest