Seryosong aksyon kailangan kontra bus accidents - Arenas
MANILA, Philippines - Para kay dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas, band aid solution at knee-jerk reaction lang ang ginagawang inspeksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tuwing may nangyayaring aksidente ng bus.
“Tuwing may aksidente lang ba kikilos ang LTFRB para inspeksiyunin ang mga bus at suriin ang kaligtasan ng mga ito,†tanong ni Arenas.
Ayon kay Arenas, kailangan ng mahigpit at serÂyosong pagkilos mula sa LTFRB para maiwasan na ang mga nangyayaring aksidente, kabilang ang regular na pagsusuri sa kaligtasan ng mga bus at kakayahan ng mga driver nito.
Dapat din bigyang halaga ang panukalang gobyerno na ang magmay-ari at mamalakad ng public transport system dahil sa walang tigil na aksidente at krimen tulad ng holdap na nararanasan ng mga mananakay. Ang safety ng public transport system ng isang bansa ay isa sa mga indicators ng peace and order.
Ginawa ni Arenas ang pahayag kasunod ng aksidenteng kinasangkutan ng GV Florida Transport Inc. sa Bontoc, Mt. Province noong Biyernes na ikinamatay ng 14 na pasahero kasama na ang komedyanteng si Arvin ‘Tado’ Jimenez.
Partikular na pinatututukan ni Arenas sa LTFRB ang mga lumang bus na naka-istasyon sa Maynila na bumibiyahe patungong Bicol at iba pang malayong lalawigan sa Norte.
Maliban sa pagsilip sa kaligtasan ng mga pampasaherong sasakyan, iginiit ni Arenas na dapat ding tiyakin ng LTFRB at LTO na pawang rehistrado ang bumibiyaheng public utility vehicles sa lansangan sa mga lalawigan.
“May mga balita na maraming kolorum na pampasaherong sasakyan, lalo na ang mga jeep, ang bumibiyahe sa mga probinsiya,†wika ni Arenas.
Aniya, dapat itong masilip upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay.
- Latest