^

Bansa

GV Florida, tsuper kinasuhan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang inireklamo ang tsuper at may-ari ng GV Florida Transpor Inc. kasunod nang pagkahulog ng bus sa bangin sa Mountain Province na ikinasawi ng 17 katao.

Knasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple physical injuries ng Bontoc Municipal Police ang tsuper na si Edgar Renon, 31, sa Mountain Province Prosecutor's Office.

Pinagbasehan ng mga pulis ang mga salaysay ng mga saksi at ng mga nakaligtas na pasahero.

Kaugnay na balita: Tado Jimenez na-cremate na

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Winston Ginez na mechanical failure at kapabayaan ni Renon ang naging sanhi ng malagim na aksidente na kinabilangan ng artista at aktibistang si Arvin “Tado” Jimenez.

Lumabas din sa imbestigasyon na sumabog ang gulong ng bus base na rin sa nakitang mga skid marks sa kalsada.

Kaugnay na balita: Biktima ng Florida bus walang matatanggap na insurance

Napag-alamanan din na illegal ang operasyon ng bus at gumaamit ito ng pekeng plaka.

Samantala, iginigiit ng GV Florida Transport na naging pabaya sila sa aksidente at sinabing nasa magandang kondisyon ang bus

Pansamantalang sinuspinde ng LTFRB ang prangkisa ng mga bus ng Florida Transport.

Kaugnay na balita: Florida bus suspendido ng 30 days

Sinabi naman ng Philippine Accident Managers Inc. (PAMI) na hindi nila sagutin ang mga biktima dahil hindi naman naka rehistro sa kanila ang bus na nahulog sa bangin.

"Hindi naman 'yun ang in-insure namin na bus e. So hindi babayaran ang insurance," pahayag ni PAMI Chairman Ed Atayde.

BONTOC MUNICIPAL POLICE

BUS

CHAIRMAN ED ATAYDE

EDGAR RENON

FLORIDA

FLORIDA TRANSPOR INC

FLORIDA TRANSPORT

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD CHAIRMAN WINSTON GINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with