Solon, 4 pa kakasuhan sa pamemeke ng SARO
MANILA, Philippines - Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kasong pamemeke ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa Region 11 at Region XI laban sa limang opisyal kasama na ang isang driver ng Department of Budget and Management (DBM).
Kabilang sa mga pinakakasuhan sa isinagawang imbestigasyon ng Anti-graft division (AGD) ng NBI sina Emmanuel Raza, staff ni Zamboanga City Rep. Lilia Macruhon-Nuno; Elvie Rafael, driver ni DBM Undersecretary Mario Relampagos; Bernie Beltran, mula sa DBM; Mary Ann V. Castillo na consultant ni Aklan Lone District Rep. Teodorico Haresco Jr. at gayundin si Rep. Haresco Jr.
Inaasahan na maghahain ng transmittal letter ang NBI para sa preliminary investigation sa DoJ o Office of the Ombudsman.
Inihayag na rin ni Justice Secretary Leila de Lima na noong December 2013 natukoy na ng NBI ang pagkakakilanlan ng isang binansagang “Supremo†na diumano’y pinuno nang binansagang “Xerox Gang†na nasa likod ng pamemeke ng SARO sa DBM.
Nadiskubre sa Region 2 ang pekeng SARO na diumano’y inilaan para sa mga farm-to-market road projects, pero sa pagsisiyasat ng NBI, lumutang na nakarating din ang mga pekeng SARO sa iba pang rehiyon.
- Latest