^

Bansa

Gobyerno ni PNoy, tamad – CBCP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Bro­derick Pabillo, national director ng CBCP-NASSA at CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs chairman na indikasyon ng  katamaran ng pamahalaan ang patuloy na pagsasapribado ng iba’t ibang ahensiya na nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.

Ayon kay Pabillo, hindi dapat maging tamad at i-asa ng administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino III sa mga pribadong sector ang panga­ngasiwa sa edukasyon, tubig, kuryente at maging ang mga hospital.

Sinabi ni Pabillo, tungkulin ng pamahalaan na paglaanan ng pondo ang public utilities na nagbibigay serbisyo publiko.

Naniniwala si Pabillo na lalong magdudulot ng kahirapan ang pagsasa-pribado ng mga pangunahing serbisyo sa bansa.

Aniya, hindi ang pagserbisyo sa publiko ang pakay at tungkulin ng mga pribadong sector kundi ang kumita in the expense of the poor.

Nabatid na bukod sa Philippine Orthophedic Center, 26-pang pampublikong Ospital ang nakatakdang isapribado ng pamahalaan na bahagi ng kanilang Private-Public Partnership program bukod pa ang pagsasapribado sa MWSS at iba pang public utilities.

 

ANIYA

AYON

EPISCOPAL COMMISSION

MANILA AUXILIARY BISHOP BRO

PABILLO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE ORTHOPHEDIC CENTER

PRIVATE-PUBLIC PARTNERSHIP

PUBLIC AFFAIRS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with