^

Bansa

Paniningil ng irrigation fee sa mga magsasaka, pinatatanggal

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatatanggal  ng ilang mambabatas sa National Irrigation Administration (NIA) ang sinisingil na irrigation fee sa mga magsasaka.

Sa House Bill 3849 na inihain nina Coop-Natco partylist Reps. Anthony Bravo at Cresente Paez, pinaaamyendahan nito  ang charter ng NIA para buwagin na ang irrigation service fees.

Katwiran nina Bravo at Paez, ang irigasyon ay mahalaga sa pagpapalakas ng produksyon ng mga magsasaka kaya dapat ay libre itong serbisyo ng gobyerno para mas siguradong matatamo ang target ng gobyerno na self sufficiency sa bigas.

Nabatid na ang gobyerno at kumikita ng hanggang tatlong bilyong piso kada taon mula sa irrigation fees na sinisingil sa mga magsasaka.

Ang pagtatanggal umano dito ay subsidiya na rin ng gobyerno sa mga magsasaka para mapababa ang gastos sa produksyon ng palay at mas siguradong kikita ang mga ito sa kanilang hanapbuhay.

 

ANTHONY BRAVO

COOP-NATCO

CRESENTE PAEZ

KATWIRAN

NABATID

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

PAEZ

PINATATANGGAL

SA HOUSE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with