^

Bansa

Ex-SC Justice Serafin Cuevas pumanaw na

Doris Franche-Borja at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagluluksa ngayon ang mga kasamahan sa Korte Suprema sa pagpanaw ni dating Supreme Court (SC) Associate Justice Serafin Cuevas na itinuturing namang malaking kawalan sa mga naging katrabaho nito sa hudikatura.

Naka-half mast na ang watawat  ng SC upang iparating ang pakikiramay at pagluluksa sa pamilya Cuevas.

Maging si dating pa­ngulo at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ay binansagang “one of the most brilliant legal minds” si Justice Cuevas.

Nakiramay naman si Pangulong Benigno Aquino III sa pagpanaw ni Cuevas.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., nakikiramay ang Pangulo sa pagpanaw ng kilalang abugado na tumayong lead counsel sa impeachment trial nang pinatalsik na si dating Chief Justice Renato Corona. Pumanaw si Cuevas sa edad na 85.

Nagsilbi ding Justice Secretary si Cuevas sa panahon ni dating Pa­ngulong Erap Estrada mula 1998 hanggang Feb. 15, 2000.

Bago naman siya nahirang bilang associate justice noong taong 1984  ni dating Presidente Ferdinand E. Marcos ay naging associate justice  siya sa Intermediate Appellate Court.

Nagsimula siya sa kanyang  career bilang professorial lecturer sa College of Law sa University of the Philippines at sa Institute of Law sa Far Eastern University.

ASSOCIATE JUSTICE SERAFIN CUEVAS

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

COLLEGE OF LAW

CUEVAS

ERAP ESTRADA

FAR EASTERN UNIVERSITY

HERMINIO COLOMA JR.

INSTITUTE OF LAW

INTERMEDIATE APPELLATE COURT

JUSTICE CUEVAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with