^

Bansa

Palasyo sa LTFRB Safety ng mga pasahero tutukan!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang ang kaligtasan ng mamamayan kasunod ng nangyaring aksidente ng mahulog sa bangin ang GV Florida bus sa Mountain province kung saan 14 katao ang nasawi kabilang ang komed­yanteng si Arvin ‘Tado’ Jimenez.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., ginagampanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng sorpresang check-up sa mga bus companies.

“Patuloy na tinututukan ng pamahalaan ang pagi­ging ligtas ng lahat ng uri ng sasakyang pampubliko, lalong-lalo na ang mga bus at public utility vehicles (PUV), na siyang naglululan ng pinakamaraming mamamayang bumibiyahe sa buong kapuluan,” wika ni Coloma.

Aniya, inatasan ni Pangulong Aquino ang DOTC at LTFRB na mahigpit na ipatupad ang batas sa road safety.

“Napag-alaman na ang naaksidenteng bus ng (GV) Florida Transit na nahulog sa bangin sa Bontoc, Mountain Province at kung saan nasawi ang 14 na katao ay ‘di awtorisado sa pagbibiyahe nito,” dagdag nito.

ANIYA

ARVIN

COMMUNICATIONS SEC

FLORIDA TRANSIT

HERMINIO COLOMA JR.

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MOUNTAIN PROVINCE

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with