^

Bansa

3 driver sa malalayong biyahe ng bus giit

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang malagim na aksidente dahil sa pagkahulog ng Florida bus sa bangin at pagkamatay ng14 katao kabilang ang komedyanteng si Tado, isinusulong ng isang kongresista sa Kamara ang panukalang magkaroon ng tatlong driver sa mga pampasaherong bus na may malalayong biyahe.

Ayon kay Ifugao Tep. Teddy Brawner Baguilat dapat magkaroon ng tatlong bus drivers sa mga long distance na biyahe o sa mga bumibiyahe ng halos walong oras samantalang dalawa naman para sa mga provincial trip, gayundin ay isusulong niya na maalis ang kompensasyon na boundary system.

Giit din ni Baguilat, dapat na ang bus drivers ay alam ang kondisyon ng daan patungong Cordillera na mahaba at makitid na bulubunduking kalsada ng Mt. Province at mga sharp curves hindi tulad sa ibang mababang kalsada.

Nais din nito na malag­yan ng mga ilaw, directional signs at harang sa gilid ang mga kalsada sa Mt. Province upang maiwasan na ang mga aksidente gayundin ang paglalagay ng speed metering sa mga bus.

Paliwanag pa ng mam­babatas, kung hindi maaalis ang reputasyon na mapanganib ang mga daan patungo sa Cordillera ay hindi nila maaabot ang target na bilang ng turista na nagpupunta rito upang makita ang sikat na Ifugao rice terraces.

 

AYON

BAGUILAT

GIIT

IFUGAO

IFUGAO TEP

KAMARA

MT. PROVINCE

TEDDY BRAWNER BAGUILAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with