^

Bansa

Pre-marital sex sa kabataan tumataas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naalarma ang Simbahang Katoliko sa tumataas na bilang ng mga kabataang nasasangkot sa pre-marital sex. Ito’y kasunod ng 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study na nagsasabing isa sa tatlong kabataang Pinoy na nagkaka-edad ng 15-24 years old ay nakikipagtalik na.

Ang naturang datos ay tumaas umano ng 14 percent mula sa resulta ng pag-aaral may 20 taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, dapat na maging isang malaking hamon sa simbahan at sa mga magulang ang naturang pag-aaral upang mailayo ang mga bata sa pre-marital sex.

“The results of the study should challenge us all the more to intensify the information of young people regarding real values that they should possess in their maturity process,” dagdag pa ni Ongtioco.

Malaki umano ang responsibilidad ng church leaders at mga magulang ng mga kabataan para makaiwas ang mga ito sa pre-marital sex.

Lumilitaw sa naturang pag-aaral na nasa 6.2 milyong kabataan na ang nakikipagtalik sa kanilang mga kasintahan bago pa man sila maikasal.

“It’s just very bad (to hear the news),” ayon naman kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes na nagsabing ito ay resulta ng relati­visim at pagiging moderno.

Nanindigan pa si Bastes na pinalala lamang ng Reproductive Health (RH) law ang imoralidad sa mga kabataan.

 

AYON

CUBAO BISHOP HONESTO ONGTIOCO

LUMILITAW

REPRODUCTIVE HEALTH

SIMBAHANG KATOLIKO

SORSOGON BISHOP ARTURO BASTES

YOUNG ADULT FERTILITY AND SEXUALITY STUDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with