Kasong perjury isinampa ng Senado vs. Bangayan
MANILA, Philippines - Inireklamo ng Senate Committee on Agriculture and Food ang negosyanteng si Davidson Bangayan, ang itinuturong nasa likod ng rice smuggling sa bansa.
Naghain ng kasong perjury ang Senado sa pamamagitan ng abogadong si Horace Cruda, sa National Prosecution Service ngayong Biyernes.
Iginiit ni Bangayan nitong Lunes sa pagdinig ng senado sa rice smuggling na hindi siya si "David Tan."
Kaugnay na balita: Enrile nairita kay Davidson Bangayan sa Senate hearing
Itinanggi ni Bangayan na siya si Tan kahit may ipinakitang affidavit si Senador Juan Ponce Enrile kung saan nakasaad na ginamit ni Bangayan ang alyas na "David Tan" noong 2005.
Sinabi ng negosyanteng nilagdaan niya ang affidavit bilang "Davidson Bangayan" at hindi David Tan.
"That is based on the complaint on the newspaper. Maybe my lawyer did not, at that time, correct it," wika ni Bangayan sa pagdinig sa Senado.
Kinasuhan si Bangayan dahil sa pagsisinungaling sa kabila ng panunumpang pawang katotohanan lamang ang sasabihin.
"Maawa ka sa sarili mo... Sa mga hearing ng Senado, may mga reglamento na hindi ka pwedeng magsinungaling. 'Pag nagsinungaling ka, mapipilitan kami na parasuhan ka na in contempt," sambit ni Enrile kay Bangayan.
- Latest