DPWH umamin Bunkhouses substandard
MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson na “substandard†at hindi nagamit ang mga tamang materyales sa pagtatayo ng mga bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Sa pagdinig na Senate committee on public works na pinamumunuan ni Sen. Bongbong Marcos, nagbigay ng paliwanag si Singson kung bakit hindi nasunod ng mga kontraktor ang specifications ng DPWH.
Pangunahing idinahilan ni Singson ang kakulangan ng mga materyales sa pagtatayo ng mga bunkhouses ng mga panahon na yun.
Pero ayon sa kalihim, hindi rin masasabing nagkaroon ng overpricing sa mga itinayong bunkhouses.
“I would not consider it overpricing but underspecs, substandard and construction because they did not use the proper specification,†ani Singson.
Ang mga kahoy umanong ginamit ay hindi rin tama dahil sa halip na mga good lumber na point 40 millimeter ay nauwi sa coco lumber na point 20 mm.
Hindi pa naman daw tinatanggap ng DPWH ang mga bunkhouses hangga’t hindi naaayos ng mga contractors kaya hindi pa binabayaran ang mga ito.
Sa ngayon umano ay inaayos na ng mga contractors ang mga bunkhouses base sa specifications ng ahensya.
Lumabas din na sa target na 222 bunkhouses, nasa 198 na ngayon ang natatapos kung saan nasa 24 pa ang ipagagawa. Sa 198 natapos na mga bunkhouses, nasa 54 pa lamang ang naokupa dahil maraming requirements umano ang hinihingi ng DSWD sa mga residenteng biktima ni Yolanda.
- Latest