Graduation sa public schools itinakda sa Marso 27, 28
MANILA, Philippines - Sa Marso 27 at 28 itinakda ng Department of Education (DepEd) ang graduation ceremony sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng DepEd na hindi dapat sapilitan ang pagkolekta ng graduation fees sa mga estudyante.
Ayon kay DepEd spokesman Asst. Sec. Tonisito Umali, hindi pinipigilan ang mga prinsipal, adminisÂtrator at Parents-Teachers Association (PTA) ng mga pampublikong paaralan na mangolekta ng graduation fees para gawing memorable ang okasyon.
Gayunman, hindi aniya ito dapat maging hadlang para pigilang makapagmartsa ang estudyanteng bigong makabayad ng graduation fee.
Muling binigyang-diin ni Umali na dapat gawing simple lamang ang seremonya.
- Latest