Convoy ng Army, mediamen pinasabugan ng BIFF
MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas sa panibagong insidente ng pambobomba ng mga pinaghihinalaang rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom FighÂters (BIFF) ang convoy ng tropa ng militar at tatlong television network sa Brgy. Tuka, Mamasapano, Maguindanao kahapon.
Batay sa ulat, sinabi ni Lt. Col. Ramon Zagala, Chief ng AFP-Public Affairs Office, alas- 2:05 ng hapon ng maganap ang pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa lugar.
Ang pagsabog ay naitala ilang minuto bago dumaan ang convoy ng tropa ng 46th Infantry Battalion ng Army lulan ng military truck na dumaan sa lugar.
Ayon naman sa mga opisyal ng Army’s 6th ID, BIFF ang hinihinala nilang nasa likod ng pagpapasabog.
Kasunod naman ng mga ito ang convoy ng media mula sa tatlong television network na kinabibilangan ng GMA 7 sa pangunguna ng reporter na si Chino Gaston at mga crew nito, ABS-CBN Channel 2 kasama ang reporter na si Ron Gagalac at mga crew at ang TV5.
Noong Pebrero 1 ng umaga, 12 katao kabilang ang anim na sundalo, apat na sibilyan at reporter ng TV5 na si Jeff Caparas at cameraman Adrian Bulatao ang nasuÂgatan sa pambobomba ng BIFF sa Brgy. Lower Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Dahil dito, sinabi ni Zagala na rerepasuhin ng militar ang mga panuntunan sa pagsama ng mga mediamen sa coverage at kung kinakailangang magtakda ng mga security measures na hindi naman makakaapekto sa media coverage.
“We advise them when following AFP convoys to keep safe distance and keep situational awareness when covering,†ang sabi pa ng opisyal.
- Latest