Gov’t handa sa BIFF urban attacks
MANILA, Philippines - Nakahanda ang gobÂyerno sa banta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na maglulunsad ito ng urban attacks sa mga lungsod sa bansa.
Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. na hindi natutulog sa pansitan ang mga sundalo at tiniyak na naka-ready ang tropa ng pamahalaan sa anumang ganti ng BIFF matapos lusubin ng AFP ang kanilang mga kuta sa Mindanao.
Wika ni Sec. Coloma, nalumpo ang BIFF ng makubkob ng militar ang apat na kampo ng grupo at isang pabrika ng Improvised Explosive Device (IED).
“Patuloy na tinututukan ng ating kapulisan, ng ating Sandatahang Lakas, at ng ating intelligence operatives ang lahat ng galaw ng mga kaaway ng estado at ng kaaway ng mga mamamayan dahil hindi tayo maaring maging complacent, o dapat sa lahat ng oras ay mataas ang ating vigilance level dahil ‘yan lamang ang ating proteksyon sa mga aksyon na maligalig at mapaÂnganib at magkakaroon ng panganib sa buhay at kaligtasan ng ating mga mamamayan,†paliwanag ni Coloma.
Itinigil na ang OpeÂration Dark Horse ng tropang gobyerno laban sa BIFF, ang tinaguriang spoilers o grupong sumasabotahe sa peace talks ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang opensiba ay sinimulan noong Enero 27 at nagtapos nitong Pebrero 2.
Sabi ni AFP spokesman Major Gen. Domingo Tutaan Jr., sa inilunsad na Operation Dark Horse, umaabot sa 101 BIFF fighters ang nalupig kabilang ang 52 napaslang at 49 nasugatan habang nakarekober rin ng sari-saring armas, ekplosibo at mga bala.
Isang sundalo ang nasawi at 20 pa ang nasugatan habang walo ring sibilyan ang tinamaan sa palitan ng putok.
Dagdag ni Tutaan, sa kabila ng itinigil na ang operasyon laban sa BIFF fighters ay kailaÂngan pa ring mahuli ang mga nakatakas nitong mga lider kabilang si Kumander Umbra Kato. Maaring magpapalakas lamang umano ang grupo at muling maglulunsad ng panibagong pag-atake anumang oras. Ang BIFF ay breakaway group ng MILF.
- Latest