^

Bansa

ERC Chief iniimbestigahan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gumulong na ang imbestigasyon ng gobyerno kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Zenaida Ducut dahil sa umano’y anomalya sa pagtataas singil ng Manila Electric Company (Meralco).

SInabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na hawak na ng Investigative and Adjudicatory Division ng Malacañang ang kasong administratibo na inihai ng grupong Akbayan laban kay Ducut.

"The new office has received the complaint of Akbayan and has started looking into the accusations," pahayag ni Coloma ngayong Martes.

Nais paimbestigahan ng Akbayan si Ducut dahil sa umano’y pagpapabaya sa kanyang trabaho na protektahan ang publiko sa pagbabayad ng mataas na singil sa kuryente.

Samantala, nilinaw ni Coloma na walang dahilan upang magbitiw sa puwesto si Ducut.

Pinabulaanan ni Ducut nitong nakaraang lingo sa pagdinig sa Senado na panay ang kanilang pag-apruba ng mga pagtataas singil.

Iginiit din ni Meralco President Oscar Reyes na resulta ng maintenance shutdowns ng pangunahing power plants at ng Malampaya facility ang pagtataas ng singil sa kuryente.

 

AKBAYAN

CHAIRPERSON ZENAIDA DUCUT

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

DUCUT

ENERGY REGULATORY COMMISSION

INVESTIGATIVE AND ADJUDICATORY DIVISION

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO PRESIDENT OSCAR REYES

SONNY COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with