Apela ng Obispo… Kasunduan sa kapayapaan, bigyan ng pagkakataon
MANILA, Philippines - Umapela ang isang lider ng simbahan sa mga rebeldeng Muslim na bigyan muna ng pagkakataon ang naging kasunduan para sa kapayapaan at pag-unlad ng rehiyon ng Mindanao.
Ang panawagan ay ginawa ni Basilan Bishop Martin Jumoad sa mga rebeldeng tutol sa Bangsamoro Framework Agreement kaugnay na rin sa nagaganap na sagupaan sa Cotabato, Maguindanao, pagbobomba sa isang simbahan sa Zamboanga at ang banta ng ilang tribo na paglaban sa gobyerno dahil hindi matanggap na kasunduan sa pagitan nito at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Jumoad, hindi digmaan ang solusyon para makamit ang kapayapaan dahil dapat aniyang simulan ito sa dayalogo at pagkakasundo.
“The future of Mindanao will always at doom, so I think it would be good, may we appeal for those who plan for arm struggle to stop it and allow peace agreement to prosper so that...for the sake of our children, because if they continue to wage war against the government and to take arms against the government then there will be no peace in Mindanao. There is no other way except to allow peace to come and it is possible through this agreement,†pakiusap ng Obispo.
Pinayuhan naman ni Iligan Bishop Elenito Galido ang mga Pinoy na huwag panghinaan ng loob sa mga grupong nanggugulo sa Mindanao para hindi tuluyang matuloy ang inaasam na kapayapaan sa rehiyon.
Aniya, kailangang ituloy ang mga nasimulang hakbang para sa kapayapaan na siyang magdadala rin ng pag-unlad sa Mindanao.
Naniniwala rin ang Obispo na sinsero ang pamahalaan ng Pilipinas at ang MILF para sa kapayapaan na siyang dapat suportahan ng taumbayan.
Base sa huling tala, may 53 katao na ang nasasawi sa kaguluhan sa Mindanao region sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Bangsamoro Freedom Fighters kung saan may 100,000 mga residente ang nagsilikas dahil sa digmaan.
- Latest