Enrile nairita kay Davidson Bangayan sa Senate hearing
MANILA, Philippines - Nairita si Sen. Juan Ponce Enrile si Davidson Bangayan nang igiit ng negosyante na hindi siya si "David Tan" sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa rice smuggling sa bansa nitong Lunes ng umaga.
Hiniling ni Enrile sa Senate Committee on Agriculture na i-cite in contempt si Bangayan habang isinasalang sa pagtatanong sa hearing ngayong umaga.
Ipinakita ni Enrile sa kumite ang sinumpaang salaysay ni Bangayan para sa kanyang kasong libelo noong taong 2005 kung saan nakasulat din bilang pangalan ng negosyante ang "David Tan," ang parehong pangalan ng taong umano'y hari ng rice smuggling sa bansa.
Napikon si Enrile sa pagtanggi ni Bangayan na may pinirmayan siyang legal na dokumento na kinikilala rin niya bilang kaniyang pangalan ang "Davit Tan."
But Bangayan once again denied this allegation, saying he only signed the affidavit as "Davidson Bangayan" and not "also known as David Tan."
"Maawa ka sa sarili mo... Sa mga hearing ng Senado, may mga reglamento na hindi ka pwedeng magsinungaling. 'Pag nagsinungaling ka, mapipilitan kami na parasuhan ka na in contempt," sambit ni Enrile kay Bangayan.
Binanggit pa ni Enrile na bukod sa naturang dokumento ay marami pang ebidensya na maaaring magpatunay na si Bangayan at Tan ay iisang tao.
"Kung ayaw mo [umamin], magpapadala kami ng sangkatutak na ebidensya na ikaw si David Tan," dagdag ni Enrile.
Sinabi naman ni Sen. Cynthia Villar, nakaupong chairperson ng kumite, na dedesisyunan ang naturang mosyon ni Enrile sa susunod na pagdinig.
Samantala, dumalo rin sa naturang pagdinig si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na inaasahang magbibigay ng tesmonya hinggil sa mga nalalaman niya sa rice smuggling.
Nauna nang sinabi ni Duterte na si Bangayan at Tan ay iisang tao.
- Latest