^

Bansa

Palasyo sa mediamen: ‘Safety protocols’ sundin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Malacañang ang mga media networks hinggil sa umiiral na “safety protocols” kaugnay sa pag-kober sa mga areas na mayroong armed conflicts.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abi­gail Valte, dapat sundin ng mediamen ang protocol matapos madamay sa nangyaring pagsabog sa Maguindanao ang dalawang TV news crew.

Ayon kay Usec. Valte, mahalagang makipag-ugnayan sa mga ground officials ang mga mamamahayag na nagkokober sa mga lugar na may tensyon.

May umiiral anyang safety protocol ang militar at pulis na dapat sundin ng media para na rin sa kanilang seguridad at kaligtasan.

Una rito, sugatan ang cameraman na si Adrian Bulatao at reporter ng TV5 na si Jeff Caparas matapos madamay nang masabugan habang nagko-kober lamang sa naunang pagsabog sa Brgy. Salvo, Datu Saudi, Ampatuan.

Si Caparas ay nagtamo ng sugat sa hita habang si Bulatao ay tinamaan ng shrapnel at sinasabing nasa seryosong kondisyon.

Sa inisyal na impormasyon, kagagawan umano ng BIFF ang insidente.

Mahigit na sa 50 katao ang nasawi sa nangyaring bakbakan sa lalawigan habang nasa libu-libong katao naman ang mga apektado.

ABI

ADRIAN BULATAO

AMPATUAN

AYON

DATU SAUDI

DEPUTY PRE

JEFF CAPARAS

SI CAPARAS

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with