Menor de edad bawal sa full contact sports
MANILA, Philippines - Isinulong sa Kamara ng ilang kongresista ang pagbabawal sa mga menor-de-edad na sumali sa mga “full-contact sports competitionâ€.
Sa House Bill 3646 na inihain ni Ako Bicol party list Reps. Christopher Co at Rodel Batocabe, nais ng mga ito na ipagbawal sa mga atletang wala pa sa edad na 18-anyos na sumali sa full-contact competition tulad ng boxing, mixed martial arts, jujitsu, muay thai, judo at iba pa.
Nais din nina Co at Batocabe na magsagawa ng regulasyon sa pagsali ng mga minor sa non-competitive sports.
Nakasaad pa sa panukala na dapat dumaan sa maayos na physical examination at mabigyan ng clearance ang mga batang atleta bago makasali sa kahit na anong laro na sasalihan nito.
Samantala nakasalalay naman sa mga magulang, pamunuan ng eskwelahan at mga sports event organizers ang kapakanan ng mga menor de edad.
Itinatakda pa ng panukala na dapat bigyan pahintulot ng mga magulang o gurdians ang mga bata bago sumali sa anumang laro.
Ayon kay Batocabe, ang kanilang hakbang ay bunsod na rin sa pagkamatay ng 16-anyos na si Jonas Joshua Garcia na na-comatose at bawian ng buhay nang lumaban sa boxing match sa Iba, Zambales noong Disyembre.
- Latest