Solon inupakan ng mga magsasaka
MANILA, Philippines - Binatikos ng grupo ng mga magsasaka ang umano’y ginawang pang-iisnab sa kanila ng isang partylist solon sa pagdinig sa Kongreso kamakailan hinggil sa problema ng rice smuggling at iba pang isyu sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa grupo na tumangging magpabanggit, natapos ang hearing na hindi man lang umano sila natanong kung ano ang kanilang problema ni ‘Butil Farmers Party’ Rep. Agapito Guanlao, chairman ng House Committee on Food Security.
Naubos lang daw ang malaking oras ng pagdinig upang “banatan†si Department of Agriculture (DA) Sec. Proceso Alcala at National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag na pareho namang hindi nakadalo.
Ayon sa mga magsasaka, pulos kastigo ang inabot ni Alcala at Calayag kay Guanlao dahil sa ginawang pagpapatigil ng mga ito sa pag-isyu ng ‘import permit’ (IP) para sa bigas at mahigpit na pagbusisi sa rekord ng mga aplikante.
Lubha umanong naapektuhan sa nangyayaÂring reporma ngayon sa DA/NFA ang ilang mga kuwestyunableng kooÂperatiba at grupo ng mga magsasaka na hinihinala namang “prente†ng mga smugglers ng bigas at umano’y pawang “malalapit†sa mambabatas.
Iniutos ni Alcala kay Calayag ang mahigpit na pagbusisi sa rekord ng mga aplikante upang tiyakin na ang mabibigyan ng IP ay mga lehitimong grupo.
Pansamantala na ring ipinatigil ng kalihim ang pag-isyu ng IP matapos umanong mabisto na sa tulong ng ilang tiwaling opisyal, iisang grupo lang na ang mga miyembro ay hininalang sangkot sa smuggling ng bigas ang nabibigyan ng mga IP.
Kinumpirma naman ni Rosendo So, pangulo ng SINAG (Samahang Industriya ng Agrikultura) ang naging direksyon ng pagdinig.
Posible umanong “maraming bagay†ang hindi alam ni Guanlao kaya sablay ang mga nasabi sa pagdinig.
Balak umano niyang kausapin si Guanlao at mag-alok ng mga suhestiyon para sa kaalaman ng mambabatas partikular na sa isyu ng rice smuggling at panuntunan sa pagbibigay ng IP.
Tiniyak naman ni Alcala na ang eskandalo ng “recycling†ng mga import permit na isa sa mga binabanggit ni Guanlao ay “natuldukan†na sa ngayon.
Ayon naman kay Presidential Communication Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma, malaki pa rin ang tiwala ni Pangulong Aquino kay Alcala sa kabila ng panibagong ‘plunder case’ na isinampa laban sa kalihim noong Biyernes ni Sanlakas president Argee Guevarra.
- Latest