^

Bansa

Mga iskul target ng Mexican drug cartel

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gitna ng ulat na nasa bansa na ang notorious na Mexican Sinaloa drug cartel, iginiit kahapon ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagdadagdag ng mga nagpapatrulyang pulis sa mga school zones.

Ayon kay Marcos, malamang na targetin ng mga nagpapakalat ng ilegal na droga ang mga estudyante kaya dapat mas maging mapagmatyag ang mga pulis at doblehin ang pagpapatrulya sa mga university belts at mga eskuwelahan.

Inamin kamakailan ng Philippine National Police (PNP) na ang mga miyembro ng Mexican Sinaloa drug cartel ay nagsimula na ng kanilang “shabu’’ (methamphetamine) operations sa Pilipinas.

Dapat din aniyang sumailalim sa special training ang mga ipapakalat na pulis upang mabilis nilang matukoy ang mga drug pushers.

Nauna rito, iginiit ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III ang pagbabalik sa bansa ng parusang kamatayan dahil dito umano tumatakbo ang mga banyagang nagpapakalat ng ilegal na droga dahil walang parusang bitay sa Pilipinas.

AYON

BONGBONG

DAPAT

FERDINAND

MARCOS JR.

MEXICAN SINALOA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with