'Basyang' lumalapit, signal #1 sa Leyte at iba pa
MANILA, Philippines – Patuloy pa ang paglapit ng bagyong “Basyang†habang maraming lugar ang isinailalim sa public storm warning signal no. 1, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Namtaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pangalawang bagyo ngayong taon sa 768 kilometro silangan hilaga-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas-4 ng umaga.
Gumagalaw si Basyang pa-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour at magdadala ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa loob ng 300-kilometer.
Nakataas ang signal no. 1 sa katimugang bahagi ng Samar, katimugang bahagi ng Eastern Samar, Leyte kabilang ang Biliran, Southern Leyte, Camotes Island, Cebu, Negros provinces, Siquijor Island, at Bohol.
Kabilang din sa public storm warning signal ang Surigao del Norte kabilang ang Siargao Island, Surigao del Sur, hilagang bahagi ng Agusan del Sur, Agusan del Norte, Camiguin Island, Dinagat Province at Misamis Oriental.
Inaasahang nasa 152 kilometro hilaga hilaga-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur si Basyang bukas, at sa 189 kiloemtro hilaga-silangan ng Puerto Princesa City sa kamakalawa.
Tinatayang nasa 706 kilometro hilaga-kanluran ng Puerto Princesa City o nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
- Latest