Pinas ‘di magso-sorry sa HK kahit may sanctions
MANILA, Philippines - Ikinalungkot ng pamahalaan ang pagpapataw ng sanctions ng Hong Kong subalit sa kabila nito, iginiit na hindi magpapalabas ng pormal na apology o paumanhin ang Pilipinas kaugnay sa Manila hostage crisis.
Sinabi ni FoÂreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na may “substantive closure†na sa usapin sa hostage crisis, may tatlong taon ang nakalilipas sa pagitan ng pamahalaan at ng gobyerno ng Hong Kong Special Administrative Region.
Ang panibagong negosasyon ay binuksan ng Hong Kong SAR government na humihingi ng pormal na “apology†ni Pangulong Aquino kung saan ang Pilipinas, bilang isang sovereign nation ay hindi handang ikonsidera.
Ang huling “appeal for compassion†ng Hong Kong government ay idinirekta sa gobyerno noong Oktubre 2013 kung saan agad umanong tumugon ang Pilipinas sa apela nang walang pagkakamali at naging mapagbigay.
Sinabi ni Hernandez na pumayag ang mga biktima at kanilang paÂmilya sa nasabing alok ng pamahalaan.
“We have been made to understand that the victims and their families have agreed to this offer,†ani Hernandez.
Nag-ugat ang nasabing sanction sa naganap na pangha-hijack sa isang tourist bus at panghohostage sa mga sakay na HK natioÂnals at tourist guide ng dating pulis-Maynila na si Rolando Mendozan noong Agosto 2010 sa Rizal Park sa Maynila. May pitong tuÂrista mula HK ang napatay kasama ang hostage-taker na si Mendoza at isang tour guide sa isinagawang umano’y palpak na rescue operations ng mga awtoridad.
Kamakalawa ay pinatawan ng HK ng sanction ang Pilipinas dahil sa kabiguan ng huli na resolbahin umano ang kanilang mahigipit na kahilingan na magbigay ng formal apoloÂgy dahil sa 2010 Manila hostage crisis.
Epektibo sa Pebrero 5, suspindido na ang “visa free†na ibinibigay para sa mga Pinoy diplomats at gov’t officials na bumibisita sa HK.
- Latest