^

Bansa

Taas singil sa PhilHealth haharangin sa SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang dumulog sa Korte Suprema ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) para hilingin ang pagpigil sa pagtataas ng premium contribution sa Philippine Health Corporation (PhilHealth), sa taong ito.

Sa petition for certiorari na inihain ng KMU, hiniling nito sa Kataas-taasang Hukuman na magpalabas ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng mas mataas na premium contribution sa PhilHealth na nakatakdang simulan ngayong buwan.

Naniniwala ang KMU na ang dagdag na bayarin para sa PhilHealth ay panibagong pasanin para sa mga manggagawa na kumikita lamang ng maliit na sahod.

Sa pamamagitan nito ay ipinapakita lamang din umano ng gobyerno na tinatalikuran nito ang res­ponsibilidad sa pag-subsidize sa health services.

Ayon sa PhilHealth, ang mga manggaga­wang empleyado ay magbabayad na ng kontribusyon na katumbas ng 2.5-percent ng kanilang sweldo.

Sa ilalim din ng bagong sistema ng PhilHealth, ang mga miyembro na may buwanang sweldo na P8,999 pababa ay magbabayad ng P200 kontribusyon, pero sa lumang bracket, ang mga miyembro na kumikita ng P7,999 pababa ay magbabayad ng P175 monthly contributions.

 

AYON

HUKUMAN

KATAAS

KILUSANG MAYO UNO

KORTE SUPREMA

NANINIWALA

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH CORPORATION

PORMAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with