Mosyon ni Revilla vs ‘pork’ scam sinopla ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Inisnab ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kahilingan ni Sen. Ramon “Bong†Revilla Jr. na suspendihin ang pagsasagawa ng ahensiya ng preliminary investigation kaugnay ng kinasasangkutang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ‘pork’ scam.
Sa 13-pahinang Joint Order, nadetermina ng special panel of investigators na walang dahilan para mapagbigyan ang hiling ni Revilla. Si Revilla ay isa sa kinasuhan sa Ombudsman dahil sa PDAF scam kasama sina Sens. Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.
“No prejudicial question exists to warrant the suspension of the preliminary investigation†nakasaad sa naturang order.
Bukod dito, inisnab din ng Ombudsman ang kaparehong mosyon na naisampa ng isang Richard Cambe kaugnay ng naturang kaso.
Si Cambe ay co-complainant ni Revilla sa PDAF. Sila ay may naka-pending na civil case sa Bacoor Cavite RTC na may kaugnayan sa PDAF case.
Ayon sa Ombudsman, bagamat may naka-pending na kasong sibil kay Benhur Luy si Revilla at Cambe na may kaugnayan sa naturang kaso sa Bacoor-Cavite Court ay wala naman umano itong bearing sa anumang kalalabasan ng kasong criminal na kinasasangkutan ng senador kayat walang dahilan na ihinto ang pagbusisi ng ahensiya sa PDAF scam.
Niliwanag din ni Morales na hindi niya pinahihintulutan ang anumang tangkang pagsuspindi sa pagbusisi ng ahensiya sa pork barrel scam dahil nakasalalay dito ang interes ng publiko.
Sinasabing ilang respondents sa kaso ay nagsampa ng mosyon para mapagbigyan sila na mapahaba ang panahon para sila ay makapagsampa ng kanilang counter affidavits at iba pang pleadings.
- Latest