^

Bansa

Kaso ni Vhong bibilisan - DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Justice Sectary Leila de Lima ang mabilis na pag-usad ng kaso sa patung-patong na reklamong kriminal na inihain ng actor/tv host na si Vhong Navarro laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at anim pa.

Bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng panel of prosecutors na hahawak sa mga rekla­mong isinampa ni Navarro na serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, illegal arrest at blackmail.

Itinalaga ni Prosecutor General Claro Arellano bilang miyembro ng panel sina Assistant State Prosecutor Olivia Torrevillas, Asst. State Pros. Hazel Decena-Valdez at  Asst.state Pros. Marie Elvira Herrera.

Sakaling makitaan ng probable cause ang reklamo, agad isasampa sa korte ang kaso upang makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa mga respondent.

Inilagay na rin sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration sina Cornejo, Lee, Bernice Lee, Ferdinand Guerrero at Zimmer Rance kung saan inatasan ni de Lima ang lahat ng immigration offcers na agad iulat sa DOJ, Office of the Prosecutor General at NBI kung mamataan sa airport o seaport ang nabanggit na mga personalidad.

Ito’y kasunod ng impormasyon na lalabas ng bansa sina Cornejo at Lee, na nagpa-book sa PAL sa Pebrero 6, patu­ngong Singapore.

Samantala, bagamat napadalhan na rin ng subpoena, hindi naman tiyak kung sisipot sa NBI si Soledad Ramos, may-ari ng inuupahang condo unit ni Cornejo.

Pero paglilinaw ni NBI-NCR Assistant Regional Director Vicente de Guzman, sakaling nais manahimik ni Ramos, igagalang naman nila ang pasya nito.

Kahapon ay nagtungo naman ang ilang tauhan ng NBI kay Navarro para kunin ang cellphone nito at ma-trace muli ang palitan nila ng mensahe ni Cornejo.

Bitbit din ng NBI team ang litrato ng ilang personalidad para makita ni Navarro at matukoy kung sino sa kanila ang kasamang nanggulpi sa kanya.

ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR VICENTE

ASSISTANT STATE PROSECUTOR

BERNICE LEE

BUREAU OF IMMIGRATION

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with