COA kakasuhan ang ilang gov't officials sa labis na cash advances
MANILA, Philippines – Kakasuhan ng Commission on Audit (COA) ang ilang mga pinuno ng iba’t ibang ahensy ng gobyerno dahil sa hindi maipaliwanag na cash advance sa nakalipas na 10 taon.
Sinabi ni COA Chairwoman Grace Pulido Tan sa Senate Blue Ribbon Committee na sa loob ng dalawang buwan ay masasampahan nila ng kasong kriminal ang mga opisyal kahit na wala na ang mga ito sa puwesto.
"We were able to come up with a list of these individuals and organizations that have not made liquidations and we are now in the process of making suyod so that we can file the appropriate cases through the Office of the Ombudsman," pahayag ni Tan sa muling pagbubukas ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pork barrel scam.
Tumangging pangalanan ni Tan ang mga opisyal ng gobyerno.
Sinabi ng COA chief na ang ulang cash advance ay ginamit sa kalokohan habang ang iba ay ibinigay sa non-government organizations.
"We have a provision in criminal law that when somebody is given a cash advance and is not able to liquidate that within the prescribed period and upon demand, there is already a presumption in law that that money was malversed," paliwanag ni Tan.
Dagdag ni Tan na ilang beses na nilang hiningian ng paliwanag ang mga opisyal ngunit wala sa kanila ang tumugon.
"Pero hindi naman po nila inaaksyonan 'yung aming mga findings.â€
- Latest