^

Bansa

Tax collection ng QC lalakas sa Gcash payment

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalakas ang koleksiyon ng Quezon City sa buwis dahil sa pagpapatupad nito ng Gcash Payment.

Ito ang masayang pagbubunyag ni Quezon City councilor Karl Castelo kamakailan matapos tumakbo sa lungsod ang programang magpapadali sa pagbabayad ng mga mamamayan ng kanilang mga buwis sa lokal na pamahalaan.

Sinimulan kamakailan ng Quezon City ang prog-rama ng Gcash Payment matapos itong aprubahan ng konseho at lagdaaan ni Mayor Herbert Bautista.

Sa ilalim ng programa, maaari nang tumanggap ang mga bangko, ATM at internet banking ng bayad mula sa publiko para sa kanilang mga bayarin sa pamahalaan ng lungsod.

Lubos naman ang tuwa ng mga taga-Quezon City dahil sa tulong prog-rama, maiiwasan na ang mga mahahabang pila at pag-aantay sa pagbaba-yad ng buwis sa lungsod.

Bago ang pagpapatupad ng programa, marami sa mga mamamayan partikular ang mga senior citizen ang napapagod sa lumang sistema ng pagbabayad ng buwis dahil na rin sa haba ng pila sa city hall.

Ang Quezon City ang isa sa mga lungsod sa bansa ang may pinakama-laking koleksiyon ng buwis dahil sa malakas nitong ekonomiya at mataas na populasyon.

Ani Castelo, mas mabilis na matatamasa ng lungsod ang kaunalaran dahil sa pagpapatupad ng Gcash Payment.

vuukle comment

ANG QUEZON CITY

ANI CASTELO

CITY

KARL CASTELO

LALAKAS

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with