^

Bansa

Corona, misis pinakakasuhan ng Ombudsman sa ill-gotten wealth

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nadiin sa kasong perjury at iba pang kaso si dating Chief Justice Renato Corona at misis na si Cristina Corona, matapos mapatunayan ng Ombudsman na may probale cause upang ito ay kasuhan.

Sa 22 pahinang reso­lusyon na inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong January 28, 2014, mula 2001 hanggang 2011, ang mag-asawang Corona ay kumita ng kabuuang income na P30,369,120.13, kung saan P27,145,472.68 ay kinita ni Corona bilang opisyal ng Office of the President, isang Justice ng Supreme Court, miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET), miyembro ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) habang si Cristina ay kumita ng P3,223,647.45 para sa taong 2007-2010, base sa Alpha List na isinumite sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng John Hay Development Corporation (JHDC) kung saan nagtatrabaho si Mrs. Corona.

Nakasaad sa resolution na mula 2002 hanggang 2010, ang aktuwal na cash deposit ni Corona ay lumobo mula sa P1,337,072.28 hanggang sa P137,937,207.88.

Isinaad din sa Resolution ang ilang rekords mula sa Land Registration Authority (LRA) sa mga ari-ariang pag-aari ng mag-asawang Corona sa Quezon City, Makati City at Fort Bonifacio sa Taguig City, na naipundar ay P17,297,145.00. 

Sa kabuuan ay nasa P130,336,212.88 ang hindi mapaliwanag na yaman ng mag-asawa.

Sa kasong perjury, nabigo si Corona na isama ang maraming peso at dollar bank accounts (2003-2010 SALNs), isang condo unit sa The Columns, Makati City (2004-2009 SALN), at isang condo unit sa Spanish Bay Tower sa Taguig City (2005-2009 SALN).  

Napatunayan kay CJ Corona na idineklara lamang ang P6,800,000.00 bilang acquisition cost ng isang condominium unit sa Bellagio I sa Taguig City sa kanyang SALN para sa 2010, na ang tunay na halaga ay P14,510,000.00. Sa kanyang SALN mula 2003 hanggang 2009, binabaan din ni CJ Corona ang halaga ng ari-arian sa La Vista sa Quezon City ng P8,000,000.

Kinasuhan din si CJ Corona ng paglabag sa RA 6713 sa hindi pagpa-file ng tunay at detalyadong SALN para sa 2003-2010, na ang halaga ng kanyang idineklarang cash assets at actual bank deposits ay mayroong pagkakaiba at kanyang real assets sa Makati, Taguig at Quezon City ay hindi idineklara.

ALPHA LIST

BELLAGIO I

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CITY

CORONA

CRISTINA CORONA

MAKATI CITY

QUEZON CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with