^

Bansa

500K sekyu binalaan vs obstruction of justice

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 500,000 security guards sa buong bansa na mahaharap sa kasong obstruction of justice kapag nakipagsabwatan sa anumang uri ng krimen sa mga condominium, malls, establisimyento at iba pang binabantayan ng mga ito.

Ginawa ni Chief Supt. Tomas Rentoy, hepe ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ang babala sa gitna na rin ng kontrobersyal na kaso ng pambubugbog kay TV host Ferdinand “Vhong” Navarro ng grupo ni Cedric Lee dahilan umano sa tangkang panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo sa unit nito sa Forbeswood Parklane sa Taguig City noong Enero 22, 2014.

Sinabi ni Rentoy na hindi dapat kalimutan ng mga security guard na nasa ilalim sila ng administrative regulatory authority ng PNP-SOSIA.

Sa kaso ni Navarro, sinabi ni Rentoy na mananagot sa batas ang mga security guard sa nasabing condominium kapag napatunayan sa imbestigasyon na may kapabayaan ang mga ito sa naturang pangyayari.

Idinagdag pa nito na malaki ang maitutulong ng mga CCTVs  sa isinasagawang imbestigasyon bilang bahagi ng ebidensya ng mga awtoridad sa nasabing kaso.

“Security guards are supposed to be force multipliers of the police against crime. However when these guard could not readily disclose what actually happened in their jurisdiction on the pretext of prior clearing from their superiors, investigators begin to suspect these guard might in collusion with persons involved in the crime or do not simply want to implicate themselves in any legal disputes, which is a deviation from their role as security guards,” giit ni Rentoy.

Ang PNP-SOSIA ang may mandato para maregulate ang pag-iisyu ng lisensya ng mga sekyu at iba pang pribadong security personnel sa pagtupad ng mga ito ng tungkulin at may kapangyarihan din para magkansela ng mga lisensya.

CEDRIC LEE

CHIEF SUPT

DENIECE CORNEJO

FORBESWOOD PARKLANE

NAVARRO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RENTOY

SECURITY

SECURITY AND INVESTIGATION AGENCIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with