Firecracker ban sa bansa isinulong ni Sotto sa Senado
MANILA, Philippines – Ayaw na ni Senador Vicente “Tito†Sotto III na may masaktan pa dahil sa paputok kaya naman isinusulong niya sa Senado ang tuluyang pagbabawal ng paggamit nito sa pagsalubong ng Bagong Taon.
â€To prevent this yearly mishap, total ban on the use of firecrackers is necessary,†banggit ni Sotto sa kanayang Senate Bill 2081.
Nais ng artistang senador na salubungin ang Bagong Taon na "without risk of injury or death."
Daan-daang Pilipino ang nabibiktima ng paputok kada taon, habang hindi pa rin nawawala ang mga biktima ng ligaw na bala.
Nitong pagsalubong ng 2014 lamang ay nakapagtala ang Department of Health ng 914 firework-related injuries.
Tinukoy din ni Sotto ang 28 biktima ng ligaw na bala, base sa pagtatala ng Philippine National Police.
Layunin ng batas na panagutin ang mga lalabag dito na pagmumultahin ng P10,000 hanggang P50,000 at maaaring makulong ng hanggang anim na buwan.
Nitong Enero lamang din ay naghain ng sariling bersyon si Senadora Miriam Defensor Santiago na nagbabawal din sa paggamit ng paputok.
Nais ni Santiago sa kanyang Senate Bill 1876 na pagmultahin ng P50,000 ang mga lalabag sa batas na maaari ring makulong ng hanggang isang taon.
- Latest