3 pantalan tinukoy na bagsakan ng puslit na bigas
MANILA, Philippines - Tatlong pantalan sa bansa ang pangunahing binabagsakan ng mga ipinuslit na bigas buhat sa ibang bansa.
Sa pagdalo ni Bureau of Customs (BOC) Deputy Commissioner for Assessment and Operations Agaton Uvero sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, ibinunyag nitong pinakamatindi umano ang smuggling ng bigas sa mga pantalan ng Davao, Cebu at Manila.
Ibinunyag ni Uvero ang mga naturang detalye sa pagtatanong sa kanya ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile tungkol sa pagmamanman ng BOC sa galaw ng mga grupong nagpapasok ng bigas sa bansa.
“May mga insidente din po ng pagpupuslit sa Tagoloan, Misamis Occidental, sa Legazpi at sa Pasacao sa lalawigan ng Albay,†pagpapatuloy pa ni Uvero.
Pero nilinaw naman ng naturang opisyal na ngaÂyon ay hindi nangyayari ang pagpupuslit ng bigas at base sa kanilang records ay natapos na ito noon pang nakaraang taon.
“Hanggang noong Oktubre ng nakaraang taon ay talamak ang pagpupuslit ng bigas pero ngayon ay wala nang nakakapasok sa bansa kundi ‘yung may mga import permits na lamang,†pagpapatuloy pa ni Uvero.
Sa pagpapatuloy pa ni Uvero isiniwalat nito na sa kasagsagan ng rice smuggling sa bansa ay nasa dalawang libong 40 footer na container van nito ang namomonitor nila na pumapasok sa bansa.
Ayon pa kay Uvero, sa mga normal na situwasyon, nasa isang libong toneladang bigas lang umano ang parating na nakakapasok sa mga pantalan ng bansa kada linggo.
Si Uvero ay isang customs and international trade expert at nag-iisang abogado na naatasan ni Pangulong Aquino na magsagawa ng reporma sa BOC sa pamumuno ng Department of Finance.
Sa panig naman ni Angara, ipinagtanggol din nito ang BOC sa mga negatibong impresyon na hindi nasosolusyunan ang smuggling activities sa pagsasabing hindi pa umano nagtatagal sa puwesto ang mga bagong opisyal ng ahensiya.
“Apat na buwan pa lang sila diyan, hindi pa umiinit ang mga upuan nila kaya siguro ay tama lamang na bigyan pa ng karagdagang panahon para mapag-aralan ang mga galaw ng mga nasa sektor na ‘yan. Kami dito sa Senado ay handa na ibigay ang mga alituntunin na makakatulong sa kanila,†pahayag pa ni Angara.
- Latest