^

Bansa

Bitay kinatigan sa Senado, bill inihain ni Sotto

Malou Escudero at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinatigan na rin sa Senado ang pagpapabalik ng parusang kamatayan sa iba’t-ibang krimen kasunod ng ilang panukalang inihain kamakailan sa House of Representatives na humihinging bitayin ang mga dayuhang sangkot sa pagbebenta ng bawal na gamot sa Pilipinas.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng karumal-dumal na krimen, isinulong sa Mataas na Kapulungan ang muling pagbuhay sa Republic Act 7659 o ang Death Penalty Law.

Sa Senate Bill 2080 na inihain ni Senator Vicente “Tito” Sotto III, sinabi nito na nakakaalarma na ang pagtaas ng mga karumal-dumal na krimen.

Ayon pa kay Sotto, ang pagpapatupad ng habambuhay na pagkabilanggo bilang pinakamataas na parusa sa kasong kriminal sa kasalukuyan ay napatunayan nang hindi nakakapigil sa pagtaas ng kriminalidad.

Naniniwala si Sotto na ang pagkawala ng buhay dahil sa krimen at ang pagsira ng mga ari-arian ay nakakaapekto maging sa economic development at prosperity ng bansa.

Samantala, naniniwala naman si Senator Edgardo  “Sonny” Angara na dapat tingnan muna kung epek­tibong naipatutupad ang kasalukuyang batas.

“Sa aking tingin, ting­nan muna natin yung imple­mentas­yon ng current na batas dahil ang direksyon nga ng ibang bansa ay wala nang death penalty at magfocus tayo sa pagpapalakas ng ating law enforcement institutions,” pahayag ni Angara.

Sa panukala ni Sotto, nais nitong ipatupad ang Death Penalty Law sa pamamagitan ng paggamit ng lethal injection.

Nauna rito, ang House Bill 1213 na nagpaparusa ng kamatayan sa mga dayuhang sangkot sa droga ay muling inihain ng magkapatid na Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez (Partylist, Abante Mindanao) matapos na ma­bigong mapagtibay bilang  batas  noong 15th Congress.

Ipinaliwanag ng magkapatid na kongresista na hindi makatuwiran na ang mga Pilipino ay napapatawan ng parusang kamatayan sa ibang bansa tulad sa China kapag nahuhuli sa kasong droga tulad umano ng nangyari sa tatlong Filipino  na binitay sa nasabing bansa na sina Elizabeth Batain, 38, Sally Ordinario-Villanueva, 32 at Ramon Credo, 42.

Pero pagdating dito sa Pilipinas, ang mga nahuhu­ling dayuhan tulad ng Chinese nationals na nagbebenta at nag o-operate ng drug dens at laboratories ay habangbuhay na pagkabilanggo lang ang parusa kahit gaano kalaki ang bulto ng drogang nakukum­piska sa kanila.

Layunin ng panukala na amyendahan ang Comprehensive Dangerous Drug Acts upang hindi na maglakas-loob pa ang mga dayuhan na gumawa ng droga sa bansa.

Ang panukala ng magkapatid na Rodriguez ay nakalusot sa kamara noong nakaraang kongreso subalit nabigo naman ito sa Senado.

ABANTE MINDANAO

ANGARA

DEATH PENALTY LAW

DRUG ACTS

ELIZABETH BATAIN

HOUSE BILL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MAXIMO RODRIGUEZ

SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with