Mas mataas na night differential pay suportado ng labor group
MANILA, Philippines – Nais ng isang grupo ng mga manggagawa na tumaas sa 15 porsiyento mula 10 porsiyento ang bayad sa nigh shift differential sa bansa o mga nagtatrabaho sa gabi.
Suportado ng Trade Union Congress of the Philippines ang House Bill 656 o ang Night Workers’ Additional Compensation Act of 2013 ni Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado.
Layunin din ng panukala na iusog ang oras ng night shift mula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng ng madaling araw mula sa kasalukuyang alas-10 ng gabi hangang ala-6 ng umaga.
"We are in favor of increasing night shift differentials of workers by 5 percent because it will somehow help night shift workers manage with medical expenses out of sickness arising from their stressful and not so ordinary work schedule," pahayag ni TUCP- Associated Labor Unions executive vice president Gerard Seno.
"The increase will boost workers’ morale resulting in an increased productivity thereby benefiting the company [and] at the same time improve employees’ purchasing power, stimulating economic activity," dagdag niya.
Nakasaad sa Article 86 ng Labor Code of the Philippines na makakatanggap ng 10 porsiyentong dagdag mula sa orihinal na sweldo ang mga manggagawang nagtatrabaho sa oras ng alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga
- Latest