Meralco abswelto PSALM sinisi sa power rate hike
MANILA, Philippines - Ang PSALM o Power Assets Liabilities and Management ang lumilitaw na may pananagutan sa sobra-sobrang pagtaas sa presyo ng kuryente at hindi ang Meralco. Ito ang lumilitaw sa isinagawang hearing ng Senado kamakailan.
Sa nadiskubre ng Senate Committee on Energy sa pangunguna ni Sen. Serge Osmeña at iba pang senador, ang desisyon ng PSALM na huwag patakbuhin ang ‘Malaya’ power plant sa Rizal sa huling bahagi ng 2013 ang dahilan kung bakit lumabas na “kulang†ang suplay ng kuryente matapos namang isara ang Malampaya natural gas plant sa Palawan para sa ‘periodic maintenance’ nito.
Ang Malaya plant ay may kapasidad na 650MW at ayon sa mga eksperto, posibleng natapyasan ng hanggang P5/kwh ang singil sa kuryente noong Disyembre kung nagdesisyon ang PSALM na patakbuhin kahit kalahati lamang ng kapasidad nito.
Umani naman ng malawakang pagbatikos ang anunsiyo ng Meralco na dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa huling bahagi ng 2013 ay may dagdag-singil itong P4.15/kwh.
Ang usapin ay nakahain na ngayon sa Korte Suprema.
Ang PSALM ay nalikha sa bisa ng RA 9136 (EPIRA Law) upang ibenta at pangalagaan ang mga ‘power plants’ ng National Power Corporation (Napocor) kasama na rito ang Malaya plant.
“Bakit hindi na lang ninyo (PSALM) ‘sunugin’ ang planta (ng Malaya),†ang inis na banggit ni Osmeña sa mga opisyales ng PSALM sa pangunguna ni chief executive officer, Emmanuel Ledesma.
Tinangka namang umiwas ni Ledesma na patuloy na masabon ng mga senador ng tangkain nitong ibaling ang sisi sa National Grid Corporation of the Phils (NGCP) na umano’y hindi nag-abiso sa kanila na kinakapos na ang suplay ng kuryente dahil sa ‘shutdown’ ng Malampaya.
“Mas magastos†din umano para sa gobyerno na patakbuhin ang Malaya plant.
“That doesn’t makes sense to me…why don’t you just burn down the plant,†diin pa ni Osmeña.
Ayon naman kay Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero, dapat umanong naisip ng mga opisyales ng PSALM na kaya may ‘standby power plant’ katulad ng Malaya ay upang tiyakin ang sapat na suplay ng kuryente at hindi tumaas ang benta nito sa taumbayan.
‘Iyon po ang silbi ng Malaya (tiyakin ang sapat na suplay ng kuryente) pero hindi po ito nangyari…ano pa ang silbi nito sa taumbayan,†tanong pa ng mambabatas.
Ayon naman kay Sen. JV Ejercito ang ginawa ng PSALM ay muling pagpapakita ng kawalan ng desisyon ng gobyernong Aquino na labanan ang patuloy na pagtaas ng singil ng kuryente.
“Bagaman nga may ‘alok’ ang PSALM na magbenta ng kuryente, wala itong ibig sabihin dahil hindi naman pala sila konektado sa linya ng NGCP,†puna pa ni Ejercito.
Panahon na rin umano upang muling busisiin ng Kongreso ang RA 9136 at ang operasyon ng buong industriya ng kuryente.
- Latest