^

Bansa

Bangsamoro deal tagumpay para sa kapayapaan sa Mindanao - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng sere­monya sa paglagda sa kabuuang Bangsamoro Peace Agreement matapos na magkasundo ang gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa normalization annex ng kasunduan sa Kuala Lumpur, Malaysia kamakalawa.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., mahalagang achievement ito ng Aquino government upang magkaroon ng peace agreement sa MILF para sa kapayapaan sa Mindanao.

Aniya, natapos na ang apat na mahahalagang balangkas ng kasunduan tulad ng transitional provision, power sharing, wealth sharing at ang normalization annex.

Matapos ang paglagda ng gobyerno at MILF noong October 2012 para sa framework agreement ay tuluyang nagkasundo ang magkabilang panig kamakalawa.

Isusumite na lamang ang Bangsamoro Basic Law sa Kongreso upang maging batas na ito saka ito ihahain sa masasakupan nito para sa isang plebisito.

Ayon naman kay GRP panel chairperson Miriam Coronel-Ferrer, nabuo ang kasunduang ito dahil sa pagtitiwala ng MILF sa gobyerno ni Pangulong Aquino tungo sa pagbabago.

Sinabi pa ni Ferrer, target nilang maisumite naman ang Bangsamoro Basic Law sa Kongreso sa Mayo upang makapagtatag na ng Bangsamoro entity.

 

vuukle comment

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO PEACE AGREEMENT

COMMUNICATIONS SEC

HERMINIO COLOMA JR.

KONGRESO

KUALA LUMPUR

MIRIAM CORONEL-FERRER

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG AQUINO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with