^

Bansa

Palasyo tutol sa 6 na oras

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutol ang Malakanyang sa panukalang gawing anim na oras na lamang ang oras ng pagtatrabaho mula sa kasalukuyang walong oras pero payag ang mga employers na magpatupad ng flexi time.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang ganitong panukala ay dapat dumaan mula sa matinding consultation sa mga stakeholders lalo sa mga employers dahil sa posibleng maging epekto nito sa kanilang negosyo.

Ayon kay Usec. Valte, pabor naman ang mga employer na magpatupad na lamang sila ng flexi time dahil na rin sa nakaambang matinding trapiko na lilikhain sa konstruksyon ng stage 3 ng Metro Manila Skyway project.

“Meron pong mga employers na bukas naman daw po sila sa flexitime pero to shorten po to six hours that will require consultations with other stakeholders kasi magkaka-impact din po yan siyempre sa kinikita ng iba ho nating kababayan,” wika pa ni Valte.

Magugunita na kamakailan lamang ay pina­ngunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang ground breaking ng Metro Manila Skyway 3 project sa Makati City.

 

vuukle comment

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

MAGUGUNITA

MAKATI CITY

MALAKANYANG

MERON

METRO MANILA SKYWAY

PANGULONG BENIGNO AQUINO

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with