'Agaton' death toll 56 na
MANILA, Philippines - Umakyat na sa 56 ang patay sa pananalasa ng bagyong "Agaton" ayon sa state disaster response agency.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes na may 10 katao pa ang pinaghahahanap, habang nasa 83 ang nasaktan ni Agaton.
Lumobo pa sa 240,000 pamilya o 1.1 milyong katao ang naapektuhan ng pinakaunang bagyo ngayong taon mula sa 117 bayan sa 16 probinsya ng regions 10, 11, 12, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Mula sa naturang bilang ay 37,000 pamilya o 181,000 katao ang nananalagi sa 374 evacuation centers, ayon pa sa NDRRMC.
Hindi pa rin maraanan ang siyam na kalsada at dalawang tulay sa regions 8, 10, at Caraga.
Umabot na sa P382 milyon ang halaga ng pinsala ni Agaton, habang P60 milyong halaga ng tulong na ang naipamahagi ng gobyerno.
- Latest