^

Bansa

Isda sa Taal Lake nauubos na!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malamang na magkulang ang bansa sa suplay ng mga isdang tabang tulad ng bangus at tilapia dahil sa pagkamatay ng naturang mga isda sa Taal Lake partikular sa apat na barangay sa Talisay, Batangas.

Ayon kay Arlan Gar­cia, local chief ng Bgy. Sala Balete, Batangas, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga patay na isda dahil nagkukulang sa hangin­ ang lawa bunsod sa umano’y lason ng sulphur sa marine life sa lawa.

Anya, mula January 17 nagkulay blue-green na ang katubigan sa lawa sa Bgy. Sala at umabot na sa Bgys. Aya, Quiling, Sampaloc at Tumaway sa Talisay.

“The total allowable fish cages in Taal Lake is 6, 000 units and one third or 2, 000 units of which is allotted for the town of Talisay,” pahayag ni Regional Director Esme­ralda Paz Manalang ng Calabarzon.

Bunga nito, umaabot na anya sa 70 tonelada ng bangus at 50 tonelada ng tilapia ang nasasa­yang doon o kabuuang 120 tonelada ng natu­rang mga isda na may kabu­uang halaga na P10.5 milyon.

Pinayuhan na ni BFAR director Asis G. Perez ang mga fish cage operators na anihin na ang kanilang mga tilapia at bangus para makaiwas sa pagkalugi.

Sinasabing ang nararanasang sulfur upwelling­ doon ay nagsimula pa noong 2000 na epekto na rin ng climate change at ng mga basura na likha ng mga residente roon.

ARLAN GAR

ASIS G

BATANGAS

BGY

PAZ MANALANG

REGIONAL DIRECTOR ESME

SALA BALETE

TAAL LAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with