Rep. Marcos dinalaw si CGMA
MANILA, Philippines - Binisita na rin ni Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Mrs. Marcos na si Arroyo ay hindi pa naman napapatunayan sa kanyang kaso kayat sana ay payagan na ng pamahalaang Aquino na makapagpiyansa ito. Mas mainam anya na mailabas na sa pagamutan si Arroyo dahil sa kanyang kondisyon.
Sinariwa pa ni Mrs. Marcos noong panahon ng kanyang asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos na pinayagan nito ang apela ni dating Senador Benigno Aquino na makapunta ng US upang doon makapagpagamot kahit ito ay napatunayan na nagkasala sa kasong sedition.
Nagbigay ng dalawang dosenang bulaklak ang kongresista at wine kay Arroyo.
Nauna na rin bumisita sa dating Pangulo sina retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, dating president at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada, dating pangulong President Fidel V. Ramos, dating Vice President Noli de Castro at Jesus is Lord Movement (JIL) leader Bro. Eddie Villanueva.
- Latest