^

Bansa

Gulo sisiklab sa Mindanao! – MNLF

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Moro National Libe-ration Front (MNLF) sa nakaambang pagsiklab muli ng giyera sa Min-danao kapag naisapinal na ang peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Malaysia.

Ayon kay Absalom Cerveza, ito ang nakikita ng MNLF dahil mayorya sa MILF fighters ay hindi umano pabor sa isinasagawang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng kanilang mga pinuno.

Ang MILF ay ang breakaway group ng MNLF na kumalas sa grupo ni Nur Misuari matapos ang pinal na peace pact ng gobyerno at ng huli noong 1996.

Sinabi ni Cerveza na mas malaking puwersa ng MILF ang hindi basta na lamang susuko sa gob-yerno para magsipagbaba ng armas na siyang nasasaad kapag nilagdaan ang ‘normalization annex’ ng Framework Agreement ng Bangsamoro (FAB) sa Malaysia.

Ibinabala nito ang pagpapalakas pa ng puwersa at paglulunsad ng panibagong giyera laban sa gob-yerno ng MILF na pabor sa MNLF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ni Ustadz Ameril Umbra Kato na kumalas sa MILF noong 2011.

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ABSALOM CERVEZA

AYON

BANGSAMORO

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

FRAMEWORK AGREEMENT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBE

NUR MISUARI

USTADZ AMERIL UMBRA KATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with